special operations command

special operations command

4SFBN's LTC Moises Nayve changes command with LTC Villaflor

1d ago
SOURCE  

Description

Dalawang taon at apat na buwan ngayon pagkatapos ng 2011 Al-barka incident isa sa mga war zone ng Basilan kung saan itinalaga na bagong commander si Lt. Col. Moises Nayve ng Special Operations Command ng sandatahang lakas dito sa region 9, Ang 4th Special Forces Battalion. Ginanap ang isang simple ngunit makasaysayaan na Change of command ceremony para sa outgoing commander ng 4th Special Forces Battalion at incoming commander nito. Ito ay ginanap sa Dolphins Warrior Headquarters. Nagpapasalamat ng marami si Lt. Col Moises Nayve sa kanyang mga nasasakupan sa patuloy nitong pagtulong upang itaas ang dangal ng special forces sa probinsya. Pinasalamatan din ni Lt. Col Ely Glenn Villaflor ang outgoing battalion commander sa paghahanda ng battalion na kanyang panunungkulan. Formal nya ring ipinakilala sa bulwagan ang Guest of Honor and Speaker ng Turn-over of command ceremony. Ito si Col. Ronnie S. Evangelista, Regiment Commander ng Special Forces Regiment (Airborne) Philippine Army Nandito si Col. Carlito "Charlie" Galvez Jr, 104th Brigade Commander na nakatalaga ng manumpa bilang Brigadier General mula sa mga araw na ito, 3rd Scout Ranger Battalion na si Lt. Col. Fernando Reyeg at iba pa. Sa kasalukuyan ay may tatlong company headquarters na bumubuo sa 4th special forces battalion tulad ng 14th special forces company, 19th special forces company at 15th special forces company Sa pananaw ng ZamboTimes.com si col. naive ay nagpakita ng kagitingan sa paninilbihian sa mga mamamayan ng Basilan. Nakasama kami sa mga proyektong at nasaksihan kung gaano ka ayos ang kanyang pamamalakad lalong lalo na sa larangan ng implementasyon ng Internal Peace and Security Plan - Bayanihan sa naturang lalawigan. Sa Al-barka, Maluso, Sumisip, Lamitan, Lantawan at Isabela kung saan libo-libong basilenyos ang nakinabang. Sampu ng mga mamamayan ng basilan saludo kaming lahat sa iyo sir. sana'y makita namin na nanduon ka na sa rurok ng iyong tagumpay bilang isa sa mga pangunahing kawal ng hukbong sandataan ng pilipinas.