samuel taylor

samuel taylor

Pulis, tinutukan ng baril ang lalaking malapit nang manganganak ang asawa!

5mo ago
SOURCE  

Description

Lalaking malapit nang maging ama, nakaaway ng pulis! Isang excited na lalake, na nagmamadaling magpunta sa tabi ng kanyang asawa, na malapit nang manganak, ang natutukan ng baril ng isang police officer sa Cleveland. Kakatanggap lang ni Samuel Taylor ng tawag tungkol sa kanyang manganganak na asawa, nang nahuli siya ni Officer Robinson na nagmamaneho ng 38 sa 25 miles per hour zone, at pinahinto siya nito. Dahil malapit na siya sa kanyang bahay, ay dumiretso si Taylor nang dalawang block hanggang sa makarating siya sa bahay. Agad na bumaba si Officer Robinson mula sa kanyang squad car, hawak ang baril, at hinarang si Taylor sa pagpunta sa kanyang asawa – na nagsimula nang makaranas ng labor pains. Tinawagan ni Taylor ang police department sa kanyang cellphone, pero nasabihan siyang haharap siya sa mga felony charges kapag gumalaw siya. Makalipas ang dalawampung minuto, binuksan ng asawa ni Taylor na si Katie ang pinto ng kanilang bahay, at sinigawan ang officer – at doon lang naging malinaw ang sitwasyon. Nagpunta sa ospital ang mag-asawa, kung saan naipanganak ni Katie ang isang malusog na baby boy. Ayon sa mga city officials, si Officer Robinson ay kumilos nang sinusundan ang protocol guidelines sa sitwasyon na ito. For news that's fun and never boring, visit our channel: http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH Subscribe to stay updated on all the top stories: http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH Stay connected with us here: https://www.facebook.com/TomoNewsPH