Message sent! Check your Phone

manila

manila

P-Noy's Speech at the Launching of Project NOAH, 06 July 2012

1y ago
SOURCE  

Description

Nangka DEL Covered Court, Barangay Nangka, Marikina City, | Speech (full text) below | Audio | http://www.pcoo.gov.ph/pnoy/PNoy%20Speech%20Project%20NOAH,%2006%20July%202012.mp3 | Magandang umaga po. Maupo po tayong lahat. Secretary Mario Montejo; Secretary Sonny Coloma; siyempre, iyong "tatay" po ng Marikina, Tatay Del de Guzman [laughter]; ating pong ginagalang na kinatawan—Frederico ka pala, Miro [laughter]; Congressman Biazon; Mayor Karen Villanueva; Dr. Cesar Saloma; Dr. Alfredo Lagmay; Dr. Nathaniel Servando; of course, former Representative Risa Hontiveros-Baraquel; proponents of Project NOAH; other local government officials present; fellow workers in government; honored guests; mga minamahal ko pong kababayan: Magandang umaga po sa inyong lahat. Bago ho ang lahat, talagang gusto kong magpasalamat, talagang napakainit po ng salubong ng mga taga-Marikina. Napakarami pong taong nasa labas na sumalubong sa 'tin; [applause] at pinaalala po sa atin, na noong Martial Law—1978 to be precise—tatay ko po nandoon sa grupo ang ngalan ay LABAN o Lakas ng Bayan. At kung naaalala po n'yo, sa buong Metro Manila, tatatlo lang ang lugar pinanalunan po ng aking ama sampu ng kanyang kakampi dahil uso po noong araw iyong "block voting" o "bulok" voting, 'di ho ba? Marikina po ang isa diyan. Kaya naman dapat 'di na tayo magtaka kung talagang bakit hanggang sa ngayon ay talagang magkasangga pa ho tayo. Tatandaan ko na po 'yan, 'pag ako po'y nalulungkot, dadalaw na lang po ako dito kay Tatay Del. At siguro'y maaayos na po ang araw natin. Noon po, noong tuwing panahon ng tag-ulan, hindi po ba't karaniwan na kung ating marinig kay Juan de la Cruz ang mga linyang "Bahala na si Batman," "Handa akong makipagsapalaran," o "Ipagpasa-Diyos na lang natin ang lahat?" Sa mga nagdaang taon, tila ba ito na ang nakasanayan ng mga Pilipinong malapit sa peligro ng bagyo: Kapag kumulimlim na ang kalangitan, magsimula ka nang kabahan; kapag dumagundong na ang kulog, huwag ka nang umasa pang magiging mahimbing ang iyong pagtulog. Sa haba sa kasaysayan natin sa bagyo, hindi ba dapat sanay na tayong mga Pilipino? Ayon nga po sa National Disaster Risk Reduction and Management Council, nasa dalawampung bagyo ang dumadaan sa Pilipinas taon-taon. Mantakin po ninyo: sa limandaang insidente ng bahang naitala noong taong 2000 hanggang 2011, umabot na sa halos isang milyon at pitongdaang pamilyang Pilipino ang naapektuhan nito. Ang danyos-perhuwisyo naman, pumalo na sa lampas isandaan at animnapung bilyong piso. Malinaw po: ang pinsalang dulot ng baha sa buhay, bahay, at kabuhayan ng mga Pilipino ay hindi po biro. Nang magsimula po tayong manungkulan, pinagtuonan po natin ng pansin ang mga suliraning hatid ng bagyo. Isa po sa mga isinulong natin: pagbutihin at dagdagan ang ating mga kasangkapan. Ang apat na locally-assembled na water level monitoring sensors na dinatnan natin noong 2010, nadagdagan natin ng siyam nitong 2011 at labindalawa na ngayong 2012, at hindi pa ho tapos ang 2012. Isandaang automated rain gauges naman po ang nai-assemble natin noong nakaraang taon, at ngayon, suma-total walumpu't anim na dito ang nai-deploy sa iba't ibang rehiyon sa bansa. Simula noong 2010, operational na rin ang anim na Doppler radar stations natin sa Baguio, Subic, Tagaytay, Virac, Mactan, at Hinatuan. Tatlong karagdagang Doppler weather radars naman ang inaasahan nating maging operational sa Tampakan, Aparri, at Baler bago matapos ang 2012. Sa kabila po ng mga tagumpay na ito, mulat tayo na ang malawakang pagbabago ay hindi magaganap sa isang idlip lang. Sa araw pong ito, nagtitipon-tipon tayo upang ilunsad ang Project NOAH, o ang Nationwide Operational Assessment of Hazards ng Department of Science and Technology. Sama-sama po tayong umuusad sa kolektibo nating layon: ang magkaroon ng mas tiyak at mas maaasahang sistema para mailayo sa peligro ang ating mga kababayan, at maiwasan o mabawasan ang pinsalang dulot ng kalamidad sa atin pong bansa. Ang Project NO...