Message sent! Check your Phone

theme song

theme song

How To Move On

2y ago
SOURCE  

Description

SUBSCRIBE www.facebook.com/jamvhille FOLLOW @ilovejamich HOW TO MOVE ON: Simply remove the L from LOVER and realize its OVER! :) Iba iba ang mga experiences natin, hindi ko pwedeng ikumpara ang mga pinagdaanan ko sa inyo dahil iba iba ang tao at lahat ng relationship ay magkakaiba din. Isa lang pwede ko sabihin, lahat tayo ay nasasaktan, magkakaiba man ng sakit, bottomline: MASAKIT. Yung tipong ang sarap ng pagkain sa mesa pero kahit anung gawin mo wala kang gana kumain. Yung tipong parang gumuguho na ang mundo mo kasi iniwan ka na ng taong ginawa mong mundo for the longest time. Yung tipong lahat ng plano mo kasama sya pero ngayon nag paplano na siya kasama ang iba at ikaw naman nag paplano na lang mag isa. :( Well, gusto ko lang malaman mo, na hindi ka nag iisa, halos lahat ng nagmahal ng totoo ay nasasaktan ng mabigat sa hiwalayan. Walang madaling paraan! Hindi mo makakalimutan lalo na ang mga masasarap na ala ala at lalo naman hindi mo makakalimutan ang taong minahal mo ng sobra. Ang dapat mong gawin? Mahalin mo ang sarili mo. Appreciate mo ang mga maliliit na bagay. Ibuhos ang attention sa mga bagay na hilig mo. Tawagin mo ang mga kaibigan mo, sumama ka sa kanila, kahit hindi na sila magpayo, yung presence lang na may kasama kang kaibigan ay comforting na. Andyan ang pamilya mo na pwede mong pagbuhusan lahat ng pagmamahal mo. Tandaan, hindi solution ang uminom, magpakaadik, maglaslas o in some cases, GUMANTI at maghanap din ng kapartner. Lalo mo lamang pinapabigat ang problema mo, in the end mas lalo pang magiging komplikado. Learn to appreciate life. Alam mo na ngang iiyak ka at magmumokmok kapag narinig mo ang theme song niyo, bakit mo pa ipaplay yun? diba? haha! Umiwas sa mga bagay na malapit sa kanya. Kahit sa mga kaibigan niya, umiwas ka muna. Wag ka ng mag STALK sa mga accounts niya, kung nag decision kang mag MOVE ON. Dapat diretso at walang likuan. Wala ka ng pakielam kung may iba na siya, kung may pinakilala na siyang iba sa mga friends at family nya. Lahat ng worst isipin mo na at tanggapin mo na. Dahil yun nga. WALA KA NG KARAPATAN :( Huwag mo din sabihin na "WALA KA NG MAKIKITANG KATULAD KO" dahil magmumukha ka lang tanga! :) Hindi totoo yun. Haha! Lalo mo lang pinaitim ang puso mo sa pag iisip ng ganun. Naging masaya ka rin sa kanya kahit papano at talagang nagmahalan kayo bakit hindi mo na lang isipin na talagang may nagkakatuluyan at meron din namang hindi. Lahat ng mga natutunan mo sa kanya dalhin mo at lahat naman ng ayaw mo sa relationship niyo ay iwanan mo at baguhin sa susunod mong ka partner. Maniwala ka na may taong darating na para sayo talaga. Hindi man siya kasing pogi/ganda o yaman ng EX mo, hindi mahalaga yun dahil kung yan lang ang basehan mo, ikaw ay MATERIALISTIC. Iba pa rin yung nararamdaman mo yung chuvachuchu. Haha! Huwag kang maghanap dahil kusang dadating yan basta maniwala ka :) Enjoy mo buhay mo bilang single, sa ganitong paraan mas lalo kang mag ggrow as a person at makikita mo ang buhay in different aspects. :) Take a break, tama yung 3 months rule o minsan higit pa. Hanggang hindi nag heheal ang puso mo, relax ka lang at huwag mag madali. Hindi ka mauubusan :)) Isa pa, hindi kayo pwedeng maging magkaibigan ng EX mo MUNA. Take note: MUNA. Pwede kayo maging kaibigan paglumipas na ang pagmamahal at sakit pero yung agad agad ay isang malaking KALOKOHAN! :) o siguro hindi talaga kayo nagmahalan :) Pinaka importante na isentro mo ang buhay sa tama at sa Diyos dahil hindi mo yan kakayanin mag isa. Kung isusuko mo sa kanya yan, giginhawa ang pakiramdam sa puso mo. Huwag kang matakot magmahal ulit, dahil napakasarap magmahal. Kung takot ka dahil baka masaktan ka ulit bukas ay mangyayari talaga yun dahil unconsciously youre assuming that its gonna happen. :) Huwag mong isipin na nagpapagwapo/ganda ka para pagnakita ka nya matatakam siya. Haha! Hindi ganun yun! Uulitin ko, kung gusto mo talagang mag MOVE ON ito ay para SAYO at hindi para sa iba. Hindi lang to lesson sa pag mo...