security camera

security camera

Isa na namang bata sa China, nadaanan ng sasakyan - at hindi nasaktan!

1h ago
SOURCE  

Description

Chinese na bata, nadaanan ng isang van – at hindi nasaktan! Isa na namang bata sa China ang mala-himalang naligtas matapos siyang madaanan ng isang sasakyan! Hindi namin alam kung saan sa China nangyari ang insidenteng ito, pero ayon sa security camera footage, isang maliit na bata ang nagtatakbo sa kalsada, nang nadaanan siya ng isang mabagal na van. Panoorin natin ulit. Bumagsak ang bata sa kalsada, bago siya nadaanan ng van. Buti na lang at napakaliit ng bata, at nagkasya siya sa pagitan ng mga gulong ng sasakyan! Nakatayo siyang mag-isa bago siya binuhat ng mga nasindak na tao, na nasaksihan ang mga pangyayari. Ilang araw lamang ang nakalipas, nang nai-report namin ang tungkol sa isang 6-year-old na bata, na nadaanan ng isang SUV sa Shandong Province. Ayon sa dalawang drivers, hindi nila nakita ang mga bata. Buti na lang at parehong hindi nasaktan ang dalawang bata. Pero hindi ito nakabubuti para sa reputasyon ng mga Chinese drivers…o ng mga magulang na hinahayaang maglaro ang mga bata sa kalsada! For news that's fun and never boring, visit our channel: http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH Subscribe to stay updated on all the top stories: http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH Stay connected with us here: https://www.facebook.com/TomoNewsPH