bayanihan

bayanihan

AFPRESCOM Maynila tumugon sa tawag ng IPSP "Bayanihan" ng 4th SFBn para sa Maluso, Basilan

2mo ago
SOURCE  

Description

The Armed Forces of the Philippines' Reserved Command (AFPRESCOM) based in Manila heed the call of duty to serve the people of Maluso, Basilan Province last April 11, 2014 Friday and provide free medical, dental assistance to those in need in the next two consecutive days 12 Saturday and 13 Sunday. From Manila 52 reservist (who are medical and dental practitioners and professionals) boarded the C130 plane together with multitudes of supplies donated by the command and other institutions and individuals, and with the help of all other military units transported them to villages of Abong-abong, Tubigan and in Pilas Island. The request came from 4th Special Forces Battalion who identified communities that are truly in need of this kind of services and through the efforts of its battalion commander, Ely Glenn Villaflor, accommodated the visiting team and facilitated the mission. Tagalog Script: AFPRESCOM, 14SFBn naghandog ng lingap pagmamahal sa Basilan Habang ang mga balita ay malimit nakatutok sa mga negatibong kaganapan sa rehiyon na ito kami naman ay patuloy na sumusuporta sa Internal Peace and Security Program ng Gubyerno dito sa BaSulTa. Mula pa Isabela, Lamitan, Tipo-tipo, Sumisip, Ungkaya-pukan, Maluso, hanggang Al-barka, maging Sulu man o Tawi-tawi naabot na ng aming pamamahayag nitong adhikain ng kapayapaan. Ang IPSP ay naglalayung mag alay ng direkta at agarang tulong sa mga apektadong kumunidad kung saan ang panloob na hidwaan tulad ng rido at pakikipagbakbakan laban sa mga puwersa ng dubyerno ay matatagpuan. Ngunit ang lundo ng adhikaing ito ay ang paglalapit sa damdamin ng mga naturang pamayanan sa mga taong nagsisilbi sa gubyerno, tulad ng Local Government Units at mga kasundaluhan, at ilayo sila sa impluwensya ng mga grupong naghahasik ng pagkakabahabahagi at destabilisasyon. Sa pamamagitan nito'y nabubuksan ang isipan ng mga tao sa kahalagahan ng pagtutulungan sa pagtatamo ng lasting peace at ang dulot nitong kaunlaran ng kabuhayan. Kaya naman madaling araw pa lang ng biernes, Abril onse dosmil katorse, ay bumiyahe na kami patungong Villamor Airbase sa layuning saksihan ang isang nanamang katangitanging misyon ng Armed Forces of the Philippines sa hilagaang bahagi ng Pilipinas na nakatakdang ganapin sa dalawang magkasunod na araw. Binigyan muna kami ni Lt. Col Nathaniel Marquez, G3 ng Civil Military Affairs Brigade, ng mga pangunahing impormasyon bago kami tuluyang lumipad sakay ng c130. Kasama kami ng 52 reservist at 13 mga officer nito. Nilulan din ang laksa-laksang mga lingap para sa mga taong lubhang nangangailangan. Ang misyon ay magbigay ng agarang lingap sa mga mamamyan ng munisipyo ng Maluso, sa probinsiya ng Basilan. Ang tema ay "Pagmamahal sa Bayan, Handog ng inyong Laang Kawal" na pinangunahan ng ating AFPRESCOM sa mungkahi at pakikipagtulungan 4th Special Forces Battalion o kilala sa tawag na Dolphins Warrior. Alas dyes na ng umaga ng marating namin ang Zamboanga, at sa tulong ng mga unit ng AFP mula ruon ay inihatid ang mga sakay para sa medical at dental misyon at iba pang relief goods sa pier ng Navy patungong maluso. Kasabay ng Lingap ang makasaysayang conversion ng MNLF Camp upang gamiting primary School sa Upper Garlayan. Ang napakahalagang okasyon na ito ay dinaluhan ng mataas na lider ng Moro National Liberation Front sa pook nuong araw. Sya ay si Hadji Suaid Tawasil. Pinangunahan naman ni Lt. Col. Mayo S. Mira ang pagpapasinaya sa pamamagitan ng cutting of ribbon. Naging matagumpay naman ang CIVAC sa Tubigan Elementary School at Abong-Abong Elementary School. Ito ang mga kaganapan sa Barangay Abong-Abong Ayon sa Battalion Commander ng 4th Special Forces Battalion. Ito ang kanyang naging pananaw sa Bayanihang isinagawa sa probinsya ng Basilan. Si Lt. Col. Ely Glenn Villaflor Narito ang mga naipagsilbi: Ayon kay Cpt Bong Dimalanta, ng Civil Military Brigade, dahil sa kanilang dedikasyon, laki ng bilang at lawak ng kaalaman, tutoong nakakatulong ang Laang Kawal ng...